HALALAN | Ilang miyembro ng PDP-Laban, nakaambang lumipat ng ibang partido

Manila, Philippines – Plano ng mga kongresistang layasan na kanilang partido na PDP-Laban.

Ayon kay Deputy Speaker Rolando Andaya Jr., maaari silang umanib sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang partidong binuo ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Aniya, mahalaga ito dahil sa partido manggagaling ang certificate of nomination and acceptance na kailangan para sa halalan sa 2019.


Pero dahil regional party lang ang HNP, posibleng sa isang koalisyong kasama ang isang national party sumapi ang mga politikong labas sa Davao region.

Sabi naman ni Senador Koko Pimentel, presidente ng PDP-Laban, na hahayaan lamang nilang lumipat sa ibang partido ang mga kanilang miyembro.

Aminado naman ni Ako-Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe na ang alkalde ng Davao ang isa sa mga tiningnan ng mga kongresista nang ilaglag si Alvarez.

Pero giit ni Davao City Representative Karlo Nograles, ang biglaang adjournment ng sesyon na pumigil sa inaasahang botohan noong Lunes ang tumulak sa mga kongresista na talikuran si Alvarez.

Facebook Comments