HALALAN | Ilang opisyal ng Malacañang, nakaboto na

Manila, Philippines – Wala pang ibinigay na schedule ang Malacañang kung boboto ba o kung anong oras boboto si Pangulong Duterte sa Davao City.

Batay sa balita naman ay naka boto na si Davao City Mayor Sara Duterte at si bumoto naman si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa Buhangin Central Elementary School para sa barangay elections.
Nakaboto narin naman sa Quezon City si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kasama ang kanyang asawa kaninang umaga.

Tapos naring bumoto si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa Alabang Muntinlupa kaninag bago mag 1:00 hapon.


Samantala, Manunumpa na mamayang gabi kay Pangulong Rodrigo Duterte si Tourism Secretary Bernadette Puyat.

Sa Malacañang gagawin ang Panunumpa mamyang 7:00 ng gabi at ito lamang ang nagiisang official schedule ng Pangulo ngayong araw.

Facebook Comments