HALALAN | Jejomar Binay, ipauubaya na sa publiko kung kanino sa kanyang mga anak ang mamamahala sa Makati

Ipauubaya na lang ni dating Vice President Jejomar Binay sa mga botante sa Makati kung sino sa tingin nila sa pagitan nina Mayor Abby at dating Mayor Junjun ang mas nararapat para mamuno sa lungsod.

Sa isang pahayag, sinabi ng dating bise pangulo na nirerespeto niya ang desisyon ng dalawa niyang anak na parehong tumakbo sa pagka-alkalde sa lungsod ng Makati.

Ayon kay Jejomar, nagkasundo ang magkabilang panig na pagtuunan ng pansin ang kanilang mga plataporma at plano para sa mga taga-Makati.


Si Abby ang kasalukuyang alkalde ng Makati na tatakbo muling para sa panibagong termino sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Habang sa ilalim naman ng lokal na partidong UNA ang Makati tatakbo ang dating alkaldeng si Junjun.

Samantala, tatakbo naman si Jejomar bilang kongresista ng unang distrito ng lungsod sa darating na halalan.

Facebook Comments