HALALAN | Listahan ng mga kandidato sa 2019 Midterm elections, ilalabas sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong buwan ang pinal na listahan ng national at local candidates para sa 2019 Midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng ilabas nila ang listahan sa December 15.

Isasama pa rin aniya sa listahan ang mga kandidatong may nakabinbing disqualification cases.


Sinabi ni Jimenez na kung ang disqualification ng isang kandidato ay nangyari pagkatapos ng cut-off date, makakasama pa rin sa balota ang pangalan nito.

Aabisuhan na lamang ang publiko kung ang kandidato ay nadiskwalipika.

Ikukunsiderang ‘stray votes’ ang mga botong makukuha ng mga diskwalipikadong kandidato.

Base sa inilabas na tentative list, aabot sa 148 ang senatorial aspirants at 185 partylist groups.

Facebook Comments