Manila, Philippines – Unang malalaman ng publiko ang mga party-list organizations na pagbobotohan para sa may 2019 midterm elections.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon – ang listahan ng mga political parties at party-list ay ilalathala sa mga pahayagan at sa website ng Comelec kasama ang mga pangalan ng party-list nominees.
Layunin aniya nito na maayos at maagang makapili ang mga botante sa mga party-list at mga nominado.
Matatandaang nasa 185 party-list groups ang naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) o kanilang list of nominees.
Facebook Comments