Manila, Philippines – Inanunsyo na ng Commission on Elections (Comelec) kung kailan gaganapin ang Local Absentee Voting (LAV).
Base sa Comelec Resolution 10443, ang local absentee voting period ay mula April 29 hanggang May 01, 2019.
Layunin nito na maagang makaboto ang mga empleyado at mga tauhan ng mga ahensya ng gobyerno, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), maging ang mga miyembro ng media na on-duty sa darating na May 2019 Midterm elections.
Ang LAV ay isasagawa mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Paalala ng Comelec, sa mga nais mag-avail ng LAV, kinakailangan nilang maghain ng application bago sumapit ang March 11, 2019.
Facebook Comments