HALALAN | Mahigit 6,000 barangay sa buong bansa, posibleng mapabilang sa election hotspots

Manila, Philippines – Mahigit 6,000 barangay sa buong bansa ang sinisilip na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng mapabilang sa election hotspots o mga lugar na may banta ng karahasan.

Sa tala ng DILG noong 2010 at 2013 elections, mahigit kalahati ang nabawas sa casualties o napatay na may kaugnayan sa halalan.

Mula kasi sa naitalang 51 na napatay noong 2010, bumaba ito sa 14 noong 2013 Barangay at SK Elections.


Naniniwala naman ang DILG na makakatulong sa pagbaba ng mga insidente ng gulo ngayong halalan ang umiiral na martial law sa Mindanao at pagpapatuloy ng peace talks sa CPP-NDF.

Facebook Comments