HALALAN | Mayor Sara Duterte, ipinakilala na ang kanyang mga pambato sa Senado

Ipinakilala na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang 14 kandidato sa pagka-senador bilang pambato ng administration sa 2019 midterm elections.

Kasabay ng alliance agreement signing sa pagitan ng kanyang sariling binuong partido na Hugpong ng Pagbabago (HNP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Tingog Sinirangan party-list, binanggit ni Mayor Duterte ang pambato nito:

– Sen. Sonny Angara
– Sen. Cynthia Villar
– Sen. Koko Pimentel III
– Sen. JV Ejercito
– Ilocos Norte Gov. Imee Marcos
– Dating Presidential Assistant Bong Go
– Dating Sen. Jinggoy Estrada
– Dating Sen. Bong Revilla
– Dating Presidential Spokesperson Harry Roque
– Taguig City Rep. Pia Cayetano
– Dating Pnp Chief Ronald Dela Rosa
– Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu
– Dr. Willie Ong
– Dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino


Nanawagan si Mayor Duterte na iboto ang mga nabanggit na personalidad dahil kailangan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng mga kaibigan sa lehislatura, lalo na sa Senado

Sila aniya ang magsusulong ng legislative agenda ng Pangulo.

Facebook Comments