Manila, Philippines – Sa gitna ng nagpapatuloy na election campaign period, nananawagan ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko na iagad na i-report sa kanilang tanggapan ang mga advertisement at advisories na nakaharang o nakakadistract para sa mga motoristang dumaadaan sa mga national road.
Ang panawagan na ito ayon sa DPWH ay bunsod ng sunod-sunod na ulat na kanilang natatanggap kaugnay sa mga advisories at advertisements na wala sa lugar.
Para sa kaligtasan ng mga motorsita, makabubuting iulat ang mga signage at iba pang materyales na nakakatakip o nakakaharang sa mga traffic lights at traffic signs, at yung mga maaaring makapagdulot ng aksidente.
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 17, mayroong kakayahan ang DPWH upang magpataw ng parusa sa mga lumalabag sa road right of way.