Manila, Philippines – Naipadala na halos lahat ng mga balotang gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election.
Ito ang kinumpirma ni Commission on Election (COMELEC) Spokesperson James Jimenez sa isinagawang press conference kanina sa Maynila.
Ayon kay Jimenez, nai-deliver na sa lahat ng presinto sa labas ng Metro Manila ang mga balota at tanging ilang mga barangay na lang dito sa Maynila ang dadalhan pa ng balota.
Dagdag pa ni Jimenez tuloy-tuloy lang ang kanilang operasyon at nasa tamang oras pa ang lahat ng kanilang gagawin.
Bukas na gaganapin ang Barangay at SK Election matapos itong dalawang ulit na ma-postpone.
Matatandaang unang naka-schedule ito noong October 2016 at nalipat ng October 2017 bago muling ma-ireschedule sa taong ito.