HALALAN | Mga balotang hindi nagamit sa na-postpone na October 2017 elections, gagamitin sa Mayo

Manila, Philippines – Gagamitin ng Commission On Elections (COMELEC) sa Luzon at Visayas ang mga hindi nagamit na balota noong October 2017 elections para sa halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong Mayo.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez – mayroon na silang resolusyon para gamitin ang mga materyales na inimprenta nitong nakaraang taon lalo na’t ito ang kanilang pinaghandaan.

Pero paglilinaw ni Jimenez – bagong balota ang gagamitin ng mga taga-Mindanao dahil walang materyales na naimprenta noon dahil nasa ilalim ito sa martial law bunsod ng gulo sa marawi.


April 14 ng magsimula ang election period at the filing ng Certificate of Candidacy para sa Barangay at SK Elections.

May 4 hanggang 12 naman ang campaign perion habang Mayo katorse ang araw ng halalan.

Facebook Comments