HALALAN | Mga lugar na itinuturing na election hotspot, mahigpit na binabantayan ng PNP

Mino-monitor na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa mga lugar na maituturing election hotspot.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director Oscar Albayalde, mas pinaigting nila ang pagbabantay at operasyon sa harap na rin ng serye ng pagpatay na may kinalaman sa halalan.

Aniya, binuhay nila ang special operation task group na siyang tututok sa mga operasyon kaugnay ng eleksyon.


Kabilang aniya sa mga lalawigan na kanilang mahigpit na binabantayan ang La Union, Abra, Masbate, Zamboanga at Lanao del Sur.

Facebook Comments