HALALAN | Mga lugar sa Mindanao na may mga naitatalang political rivalry, tutukan at iikutan ni PNP Chief Oscar Albayalde

Mindanao – Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang mga lugar sa Mindanao na may una nang kasaysayan ng “political rivalry.”

Sinabi ni Albayalde na magpapadala sya ng karagdagang pwersa sa Mindanao partikular na sa ARMM para matiyak na maiiwasan ang election-related violence sa lugar.

Batay sa rekord ng PNP 832 sa 5,744 barangay na nasa election hotspots, ay mula sa ARMM.


Maliban dito, nasa rehiyon din ang 172 baranggay na ang idineklarang category 3 o lugar kung saan maraming banta ng kaguluhan sa eleksyon.

Kinumpirma rin ni Albayalde na magiikot sya sa Mindanao para tignan ang sitwasyon ng seguridad doon.

Importante aniya ang kahandaan ng mga pulis sa lugar.

Una nang sinabi sinabi ni Albayalde na all systems go na ang kanilang hanay at nasa 150,000 hanggang 160,000 na mga pulis ang kanilang ia-assign sa sa iba’t-ibang polling precincts sa bansa sa panahon ng halalan.

Facebook Comments