HALALAN | Mga tatakbo sa Barangay at SK Elections, ipinasasailalim sa random drug test

Manila, Philippines – Ipinasasailalim na ngayon sa random drug testing ang mga kasalukuyan at ang mga tatakbo sa Barangay at SK election sa susunod na buwan.

Pinakikilos ni Asst. Majority Floor Leader Ron Salo ang DILG katuwang ang DOH para sa pagsasagawa ng random drug testing sa mga barangay officials.

Pinauuna ni Salo sa DILG na maisailalim sa drug test ang mga barangay officials na nasa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga.


Giit ni Salo, kailangan nang maisagawa ngayon pa lamang ang drug test dahil mahigit isang buwan na lamang ang natitira bago ang halalan.

Sakaling magpositibo sa droga ang isang kandidato o barangay official ay agad itong ipapa-disqualify na tumakbo sa eleksyon.

Ipinalalathala din ng kongresista ang resulta ng random drug test ng sa gayon ay malaman ito agad ng electorate at ng publiko.

Facebook Comments