Walang tigil pa rin sa pangangampanya si US President Donald Trump para sa mga kandidato ng Republican Party sa buong bansa.
Bukas na kasi ang midterm elections sa Amerika kung saan ihahalal ang mga mayor, gobernador, kongresista at mga senador.
Nais kasi ni Trump na mapatanatili ang paghawak ng Grand Old Party o GOP sa mayorya sa House at sa Senado.
Pero mahihirapan ang Republican Party dahil na rin sa maraming kontrobersiyal at hindi mga popular na mga desisyon ni Trump na siya umanong naging dahilan para magkawatak-watak ang Estados Unidos.
Para sa mga Democrat, ang midterm elections bukas ang pagkakataon na maitama ang umano ay pagkakamali sa pagkakahalal kay Trump bilang pangulo ng Amerika.
Facebook Comments