HALALAN | Motorcade ng mga kandidato sa 2019 elections, ipagbabawal

Manila, Philippines – Mahigpit na ipagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections ang motorcade sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA task force special operations commander Bong Nebrija, ito ay para hindi na makadagdag pa sa masikip na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Aniya, kailangan munang kumuha ng permit sa lokal na pamahalaan ang mga kandidato bago isagawa ang motorcade sa mga pangunahing lansangan.


Giit ni Nebrija, hindi maituturing na passport ng mga kandidato ang kanilang motorcade para hindi sumunod sa pinaiiral na batas.

Babala pa ng MMDA, walang exempted sa batas trapiko lalo na ang usapin ng pagsusuot ng helmet.

Facebook Comments