HALALAN | Mungkahing dapat nakapagtapos ng pag-aaral ang mga kapitan o kagawad, pinag-aaralan ng DILG

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ngayong ng Department of Interior and Local Government (DILG) na dapat nakapagtapos sa pag-aaral ang kapitan o kagawad bago maka-upo sa pwesto.

Paliwanag ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, milyung-milyong piso ang hawak na pera ng barangay officials at hindi rin biro ang kanilang trabaho.

Batay sa Local Government Code of the Philippines section 17, trabaho ng kapitan at mga kagawad na masiguro ang malinis na komunidad at mapanatiling ang kapayapaan at hustisya, kalsada, tulay at public market.


Nabatid na Filipino, residente ng barangay, walang kaso at dapat 18 anyos na sa araw ng eleksyon ang ilang sa kwalipikasyon para makatakbo sa Barangay at SK election.

Maliban rito, pinag-aaralan rin ng DILG na bigyan ng buwanang sahod ang mga opisyal ng barangay na sa ngayon ay tumatanggap lang ng honorarium.

Facebook Comments