Manila, Philippines – Umakyat na sa 27 indibidwal ang namamatay may kaugnayan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa May 14, 2018.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao ang mga nasawing indibidwal ay batay sa kanilang naitalang 20 suspected election-related incidents at 5 validated election-related incidents.
Sa mga insidenteng ito na may kinalaman sa eleksyon 23 ay pamamaril at 2 ay kidnapping.
Anim rin sa mga biktima ay sugatan at lima ay unharmed.
Tukoy na rin ngayon ng 23 suspek sa kabuuang 83 suspek na mga insidente na may kinalaman sa eleksyon.
Pinakamarami na may mga naitalang election related incidents ay regions 3, 12 at ARMM.
Facebook Comments