HALALAN | NAMFREL, nanawagan sa mga kakandidato ng Barangay at SK Elections na magsumite ng kanilang Certificates of Candidacy ng maaga

Manila, Philippines – Pinayuhan ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) ang lahat ng kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na mag-file ng maaga ng kanilang Certificates of Candidacy (COC).

Sa abiso ng NAMFREL, hindi na dapat hinihintay ang deadline.

Magsisimula na ang filing ng COC bukas (April 14) hanggang 20.


Nanawagan naman si Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez sa mga botante na maging mapagbantay para matiyak na walang miyembro ng political dynasties ang makakatakbo sa SK elections.

Batay sa SK Reform Act of 2015, ang isang SK official ay wala dapat kamag-anak sa loob ng second civil degree of consanguinity o affinity sa mga incumbent elected national, regional, provincial, city, municipal o barangay official.

Facebook Comments