Halalan ngayong araw, itinuturing na generally peaceful ng PNP

Itinuturing ng PNP na mapayapa sa pangkalahatan ang eleksyon ngayong araw na ito.

Sa press briefing ng Commission on Elections (Comelec) Committee on Firearms and Security, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (PNP) Director for Operations Brig. Gen. Allan Nobleza, mas mababa ang bilang ng mga naitalang karahasan ngayong halalan kumpara sa mga nakalipas na eleksyon.

Aniya, isolated cases lamang ang mga kaguluhan na nangyari sa Maguindanao at Lanao del Sur.


Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng spokesman nito na si Col. Ramon Zagala na bagama’t 15 election-related violence ang naitala ngayong araw tulad ng ilang pagsabog, napaghandaan naman aniya ito ng PNP at AFP kaya mabilis na nakapagresponde ang mga awtoridad.

Hindi rin aniya ito naka apekto sa takbo ng halalan.

Itinuturing din ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na mapayapa ang national at local elections ngayong araw.

Facebook Comments