Halalan ngayong araw, nabahiran ng disinformation, red-tagging, at mga pumalyang VCMs

Nabahiran ng disinformation, red-tagging, hindi gumaganang Vote Counting Machine (VCMs), at disenfranchisement ang unang pitong oras ng halalan ngayong araw.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Kim Tom Cantillas, Convenor ng Kontra Daya na umabot sa 464 verified reports sa buong bansa ang natanggap nila.

Sa nasabing bilang, 19.3 percent ang nakalap ng VoteReportPH hinggil sa mga nagka-aberyang VCM; 14.3 percent sa vote-buying; 10.1 percent sa election process; 10.1 percent sa disinformation at 9.2 percent sa black propaganda.


Batay naman sa Kontra Daya-Southern Tagalog, 48 percent o 55 mula sa 115 na natanggap nilang reklamo ay dahil sa pumalyang VCM habang 36 percent o 41 mula 115 ay disenfranchisement.

Maliban dito, nakatanggap din ang poll watcher ng reklamo hinggil sa harassment, illegal campaigning at vote buying.

Naidokumento rin ng Kontra Daya ang mga insidente ng red-tagging na kinabibilangan ng mga poster na nagsasaad na ang mga progresibong partylist ay bahagi ng underground na kilusang komunista.

Facebook Comments