Manila, Philippines – Iginiit ng Malacañang na walang kinalaman at hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isinusulong na panukalang kanselahin ang 2019 midterm elections.
Layunin sana ng no-election o no-el ay mapabilis ang proseso sa pagpapapalit ng konstitusyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tinanggihan na ng Pangulo ang ‘no-el’ scenario na isinusulong ng ilang mambabatas.
Ayaw aniya ng Pangulo na ipagpaliban ang eleksyon para lamang sa charter change.
Una nang ipinapanukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kanselahin ang 2019 elections para matutukan ang pag-amyenda ng konstitusyon tungo sa federal form of government.
Facebook Comments