Manila, Philippines – Isasalang na sa pagdinig ng Comelec en banc ngayong hapon ang intra-party dispute o ang kontrobersiya sa pagkakaroon ng dalawang paksyon ng Partido Demokratikong Pilipino o PDP-Laban.
Inaasahang dadalo ang mga abogado ng dalawang partido.
Layon ng pagdinig na matukoy sa lalong madaling panahon kung sino ang tunay na PDP-Laban matapos itanggi ni Senador Koko Pimentel na miyembro nila ang singer na si Freddie Aguilar.
Si Aguilar ay tumatakbo sa senatorial race sa ilalim ng PDP-Laban na kanyang partido.
Ayon sa Comelec, napadalhan na nila ng notice ang magkabilang kampo para dumalo sa hearing mamaya.
Si Pimentel ang tumatayong presidente ng PDP-Laban at nagpapakilala namang miyembro ng partido si Aguilar na sinasabing nagsumite rin ng Certificate of Nomination and Acceptance o CONA na pirmado ng isang Wilfredo Talag na nagsasabing secretary general ng ruling party.