HALALAN | Pagpapalabas ng listahan ng mga kandidato sa 2019 elections, iniurong

Manila, Philippines – Iniurong ng Commission on Elections (Comelec) ang paglalabas ng listahan ng mga kandidato para sa 2019 Midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – reresolbahin muna nila ang ilang isyu tungkol sa mga kandidato bago ilabas ang pinal na listahan sa susunod na linggo.

Siniguro rin ni Jimenez na hindi ito magdudulot ng negatibong epekto sa calendar of activities ng halalan.


Kasabay nito, sinimulan na rin ang proseso ng ‘trusted build’ para sa Automated Elections System (AES) partikular ang Election Management System (EMS).

Ang EMS ay gagamitin sa pagdisenyo ng mga balota.

Ito rin ang nagko-compile sa bilang at profile ng mga rehistradong botante, kanilang lokasyon, impormasyon ng kanilang polling presinct at iba pa.

Facebook Comments