HALALAN | Pagresolba sa petisyon vs hinihinalang nuisance candidates, aabutin ng isang buwan

Aabutin ng tatlumpung araw ang pagresulba sa isang kaso laban sa nuisance candidate.

Gayunman, sinabi ng Comelec na ito ay nakadepende pa rin sa mga isyung kailangang resulbahin.

Sa ilalim ng Section 69 ng Omnibus Election Code, itinuturing na panggulo ang isang kandidato kung layunin nitong hiyain ang proseso ng eleksyon sa bansa o magdulot ng kalituhan sa mga botante.


Sa ngayon, umaabot na sa 95 ang mga petisyon na isinulong ng Commission on Elections (Comelec) laban sa mga posibleng “nuisance” o panggulong kandidato para sa 2019 mid-term elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, aabot naman sa 78 ang mga petisyon na inihain ng mga pribadong indibidwal na humihiling na patawan ng disqualification o kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ng ilang kandidato.

Ira-raffle muna ang kaso bago simulan ang proseso ng pagdinig.

Facebook Comments