Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (Comelec) ang posibilidad na mag-organisa ng debate para sa mga kumakandidato sa pagka-senador sa 2019 Midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – maraming organizations ang nagpahayag ng interes na magsagawa ng debate.
Subalit tanong ni Jimenez, paano ito matatawag na debate kung aabot sa halos 50 ang maglalaban-laban.
Mahirap aniya kung paano hatiin at i-grupo ang mga kandidato.
Matatandaan noong 2016 Elections, naging matagumpay ang paglulunsad ng tatlong presidential at isang vice presidential debate na tinawag na “Pilipinas Debates”.
Facebook Comments