HALALAN | Pagsusulong ng panukalang batas laban sa premature campaigning, ipinanawagan

Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President sa Kongreso na magpasa ng batas laban sa premature campaigning ng mga pulitiko.

Ayon kay Robredo, nagiging saksi ang lahat sa napakaagang panunuyo sa mga botante ng mga pulitiko lalo at idineklara ng Korte Suprema na hindi na ipagbabawal ang premature campaigning.

Anya, laganap na ngayon ang mga billboard, tarpaulin, commercial sa TV at radyo ng mga nagbabalak na kumandidato.


Sabi ni Robredo, nagiging mas magastos ang eleksyon at hindi nagiging patas sa mga kandidatong kapos sa pondo.

Batay sa Section 80 ng Omnibus Election Code, iligal ang pangangampanya ng sinuman, botante o kandidato, para sa partido o sa pulitikong tatakbo hangga’t hindi pa nagsisimula ang campaign period.

Ang campaign period ay nagsisimula 90 araw bago ang eleksyon para sa national post, 45 araw bago ang local election at 15 dyas para sa barangay election.

Facebook Comments