Manila, Philippines – Posibleng payagan daw ang mas maagang pangangampanya ng mga kandidato sa 2019 midterm elections.
Ayon sa COMELEC, nakadepende ito sa pag-aaral at mga panukala sa Kongreso hinggil sa premature campaigning o maagang pangangampanya ng mga nais tumakbo sa isang eleksyon.
Posible namang itakda ng COMELEC sa unang linggo ng Oktubre ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon.
Sa susunod na buwan naman posibleng simulan na ng COMELEC ang pag-review ng source code na gagamitin sa eleksyon.
Facebook Comments