HALALAN | Pangulong Duterte, sinabing politika ang dahilan kung bakit hindi siya bumoto sa Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – “Political”

Ito ang sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi siya bumoto sa katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Paliwanag pa ng Pangulo, kaibigan niya ang mga kandidato sa kanyang barangay at naging taga-suporta niya rin ang mga ito noong nangangampanya siya sa pagka-pangulo.


Kaya para maiwasan aniya ang pagdududa, nagpasya na lang siya na huwag nang bumoto.

Sa halip, nag-monitor na lang si Pangulong Duterte sa mga sitwasyon ng halalan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang paglilinaw sa burol ni dating Senador Ed Angara na kanyang binigyang pugay at tinawag na “magaling na diplomatiko” bilang special envoy sa European Union (EU).

Facebook Comments