HALALAN PARA SA MIYEMBRO NG MGA PWDS COUNCIL SA BINMALEY, ISINAGAWA

Isinagawa sa bayan ng Binmaley ang kauna-unahang Persons with Disabilities (PWD) Election na dinaluhan ng mga miyembro ng PWD Councils mula sa iba’t ibang barangay.

Layunin nito na makapili ng mga lider na magsusulong ng kanilang mga karapatan at kapakanan.

Ayon sa lokal na Pamahalaan, isang mahalagang hakbang ito patungo sa isang inklusibo at makatarungang komunidad, kung saan ang mga PWD ay may pagkakataong maglingkod at magkaroon ng boses sa mahahalagang desisyon.

Pagpapakita ito ng pagpapalakas sa mga PWDs bilang siyang kabilang sa sektor ng lipunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments