HALALAN | PDP Laban President Sen. Koko Pimentel, umaasang makikipag-alyansa sa kanila ang regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Manila, Philippines – Umaasa si Senador Koko Pimentel na makikipag-alyansa sa PDP laban ang partidong hugpong ng pagbabago na binuo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Pimentel, kakausapin nila ang partidong hugpong ng pagbabago at iba pang pro Duterte group na nais lumahok sa eleksyon.

Una nang sinabi ng alkalde na mag-eendorso sila ng ilang personal kung tatakbo ito sa pagka senador.


Kabilang na rito sina Special Assistant to the President Bong Go, BuCor Chief Ronald Dela Rosa, Senador JV Ejercito at iba pa.

Facebook Comments