HALALAN | PNP, AFP – handa na sa barangay at SK election sa Marawi

Lanao del Sur – Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gagawing special elections ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Marawi City, Lanao del Sur.

Bukod sa militar katuwang din ng PNP ang Commission on Election (COMELEC) para masigurong mapayapa at tahimik ang halalan sa lungsod.

Maging ang ilang liblib na mga barangay sa lungsod ay binabantayan na din ng mga otoridad sa idaraos na halalan.


Kabilang din sa magsasagawa ng botohan ang 24 na barangay na malubhang naapektuhan sa Marawi siege.

Mayroong naman mga inihanda ang COMELEC para sa mga residente mula sa 24 na most affected areas kung saan sila maaring boboto sa kanilang mga kandidato.

Facebook Comments