Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na paigtingin ang intelligence at pabilisin ang pagtukoy sa mga hot spot sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ayon kay Albayalde, aabot sa higit 7,500 election hot spots sa buong bansa at ang security situation sa mga nasabing lugar ay sumasailalim sa assessment ng pulisya, militar at ng Commission on Elections (COMELEC).
Nagsasagawa na rin aniya sila ng pagre-review sa mga kaso ng violent incidents sa 2013 barangay elections at ang 2016 elections.
Ang pagtukoy sa mga hot spot ay magsisilbing basehan para sa paglalatag ng istratehiya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Facebook Comments