HALALAN | PPCRV, nangangamba na magkakaroon ng kalituhan sa manual election sa Mayo

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pangamba si Msgr. Hernando Coronel, priest coordinator ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa posibleng kalituhang idulot ng pagbalik sa manual voting ngayong Mayo para sa Barangay at SK election.

Ayon kay Msgr. Coronel, posibleng nasanay na sa automated voting ang ilang mga botante kaya at posibleng magdudulot ng kalituhan ang pagbabalik ng manual voting.

Aniya, kung hindi maa-address ang issueng ito habang maaga pa, baka magdulot lamang ito ng problema sa mismong araw ng eleksyon.


Kailangan aniya na sapat ang kaalaman ng mga magsisilbi sa eleksyon upang ma-address ang mga katanungan ng mga botante.

Facebook Comments