HALALAN | PPCRV, target na mahikayat ang mga kabataan para bumuto

Manila, Philippines – Target ngayon ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairman Myla Villanueva na mahikayat ang mga kabataan na bumuto para sa 2019 Midterm election.

Aniya, sa panahon ngayon kung saan social media ang isa sa pinaka epektibong paraan ng komunikasyon, mahalaga na maabot nila ang kabataan at maipaintindi sa mga ito ang kahalagahan ng kanilang mga boto.

Importante rin niya na hikayatin ang mga kabataan na maging epektibong bahagi ng lipunan.


Si Chairman Myla Villanueva ang pumalit kay dating Chair Rene Sarmiento, matapos itong magbitiw sa pwesto dahil sa kaniyang kalusugan. Mauupo ito bilang Chairman ng PPCRV, hanggang taong 2022.

Facebook Comments