HALALAN | PRRD, dumepensa sa pangangampanya sa Papua New Guinea

Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangangampanya sa Papua New Guinea para sa kanyang mga manok sa 2019 Senatorial elections.

Sa isang event para sa Filipino community, inendorso ni Duterte ang kandidatura sa Senado nina dating Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa, dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go at si Freddie Aguilar.

Nagbiro ang Pangulo na hindi bawal ang pangangampanya lalo at wala naman anya siya sa Pilipinas.


Iginiit ng Pangulo na ang taong gumagawa ng krimen ay lilitisin lamang sa bansang kanyang pinagsagawaan nito.

Sa kaso niya anya, wala dapat pakialam ang mga tao sa pangangampanya niya sa Papua New Guinea.

Facebook Comments