HALALAN | Registration para sa voters absentee, nagsara na

Nagsara na kahapon ang voter’s absentee registration sa lahat ng embahada at konsulada para sa mga OFW sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ito ay para sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lahat ng Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na rehistradong botante ay maaring makaboto ng mga kandidato para sa pagkasenador at partylist representatives.


Alinsunod sa guidelines para sa overseas absentee voting, nagsimula ang filing ng aplikasyon for absentee voting noong December 01, 2016 at nagtapos noong September 30, 2018.

Tinapos na rin kahapon ang registration para sa mga bagong botante na nais na makaboto sa susunod na taon.

Facebook Comments