General Santos City—Naging Generally peaceful ang halalan sa Gensan, ito ang kinumperma ni Police Col. Aden Lagradante, PNP City Director ng Gensan City Police Office.
Ayon kay Lagradante walang mga untoward incidents na nangyari sa Gensan panahon ng halalan bagay na ipinagpasalamat nito sa lahat ng mga Police, Joint task Force Gensan at iba pang force Multipliers at sa mamamayan na magtulong-tulong para makamit ang malinis at mapayapang halalan.
Kinumperma din nito na nag pullout na ang lahat ng mga Police na nakaassign sa lahat ng mga polling centers kasabay ng pag-pullout ng mga election paraphernalia’s.
Sinabi naman ni Lagradante na kahit tapos na ang halalan, mananatili ang mahigpit na seguridad nga ipinapatupad sa Gensan lalo na’t may mga nangyayaring pagsabog sa Cotabato City at Maguinadanao Province.