
Siniguro ng Philippine Army ang isang maayos, ligtas at mapayapang 2025 midterm elections.
Sa ginanap na Political Candidates’ Forum sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Major General Donald Gumiran na gagawin nila ang lahat upang matiyak na makakamit ng bansa ang mapayapang electoral process.
Aniya, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang mga ginagawa nilang hakbang para makamit ang kapayapaan sa Central Mindanao.
Samantala, puspusan ang koordinasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Commission on Election (COMELEC) at Philippine National Police (PNP) para sa pinaigting na pagpapatupad ng seguridad sa Mindanao.
Facebook Comments