Idineklara ng Commission on Elections-12 na generally peaceful at matagumpay ang katatapos na local at national elections nitong Lunes sa kabila ng pagkakaantala ng botohan bunsod ng pagpalya ng vote counting machines (VCM).
Ayon kay Comelec-12 spokesperson, Atty. Lawyer Rafael Dinopol, wala silang naitalang major election-related incident sa rehiyon at nanatiling matatag ang peace and order situation.
Hindi naman iniahyag ni Dinopol ang bilang ng VCMs na pumalya subalit sinabi nito na karamihan sa mga problema ay naresolba ng assigned technical support staff sa polling centers.
Anya, ang mga makina na tuluyang nasira ay pinalitan ng concerned election offices kasama ng standby contingency units.
Samantala “Smooth and orderly” ang pagsasagawa ng halalan sa lahat ng polling centers at precincts sa buong region-12, ayon kay Department of Education 12 Director Dr. Allan Farnazo.
Sinabi ni Farnazo na ang kanilang monitoring center ay nakatanggap ng mga reklamo at problema tulad ng pagkawala ng mga pangalan ng mga botante at iba pa subalit ito naman anya ay natugunan din.
Inihayag pa ni Farnazo na walang nag-back-out na mga miyembro ng electoral board.
Ang DepEd-12 ay nag-deploy ng 17,000 mga guro sa apat na lalawigan at apat na mga lungsod sa reheyon-dose para sa mid-term elections nitong Lunes.(Daisy Mangod)