HALALAN | Sara Duterte Carpio hindi tatakbo sa Senado sa susunod na taon ayon sa Pangulo

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa pagkasenador ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa susunod na taon.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa magkasabay na selebrasyon ng anibersaryo ng National intelligence Coordinating Agency at National Security Council ay sinabi ng Pangulo na kilala niya ang kanyang anak at alam niya na hindi ito tatakbo sa national position.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na ika-4 si Mayor Sara Duterte Carpio sa mga napipisil ng taumbayan na maging senador para sa halalan sa susunod na taon.


Sinabi din naman ni Pangulong Duterte na pabor siya na magkaroon ng anti-dynasty law o ang batas na magbabawal sa mga magkakamaganak na humawak ng maraming posisyon sa pamahalaan na isa naman sa mga kabilang sa binuong draft federal constitution.

Facebook Comments