Manila, Philippines – Nanguna si Senador Koko Pimentel III sa mga magiging pampabato ng PDP-Laban para sa 2019 senate elections.
Ito ay batay sa isinagawang survey mula sa 184 na party members na binubuo ng national officers ng partido, national government officials, miyembro ng Kongreso, local government officials at party leaders na kumakatawan sa pribadong sektor noong August 31.
Ang mga respondents ay pinagpili ng 24 na pangalan na nais nilang mapabilang sa senatorial slate ng PDP-Laban.
Si Pimentel ay nakakuha ng 175 boto.
Maituturing na statistically tied sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Special Assistant to the President Bong Go
Narito naman ang kumumpleto sa possible top 15.
4. Political Adviser of the President Secretary Francis Tolentino
5. Davao City Representative Karlo Nograles
6. Senator Sonny Angara, III
7. BuCor Chief Ronald “Bato” Dela Rosa
8. Senator Cynthia Villar
9. Taguig City Representative Pia Cayetano
10. Maguindanao Representative Zajid “Dong” Mangudadatu
11. Presidential Spokesman Harry Roque
12. Senator Joseph Victor “JV” Ejercito
13. Senator Grace Poe
14. Senator Nancy Binay
15. Former Cabinet Secretary Raffy Alunan