HALALAN | Sereno, walang planong tumakbo sa 2019 elections

Manila, Philippines – Kinumpirma ng abogado ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi ito tatakbo sa anumang posisyon sa 2019 national elections

Ito ay kahit ilang miyembro ng Liberal Party (LP) ang nagpahayag na nais nilang makasama sa kanilang senatorial lineup si Sereno para sa midterm elections.

Ayon kay si Atty. Jojo Lacanilao, para kay Sereno ay mas magiging kapaki-pakinabang siya sa labas ng Senado.


Aniya, nais ni Sereno na pagtuunan ng pansin ang pagprotekta sa konstitusyon, pagbibigay depensa sa mga walang kapangyarihan at pagpapalaganap ng kaalaman ng publiko tungkol sa kanilang mga karapatan.

Facebook Comments