Manila, Philippines – Tiniyak ng election technology provider na Smartmatic sa publiko ang kanilang maayos at tiyak na sistema para sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay Smartmatic Philippines Country President Jane Coo, ang kanilang system ay accurate at 100% auditable.
Aniya, nakadisenyo ang kanilang sistema para matukoy ang anumang inconsistencies sa anumang lebel, maging sa mga poll precincts.
Dagdag pa ni Coo, ang kanilang system ay naglalabas ng audit trails para malaman ng lahat ng stakeholders ang accuracy ng mga resulta.
Maging ang random manual audit na isinagawa ay nagpapakita na 99.96% na magkatugma ang electronic count at manual count.
Hinimok ni Coo ang lahat na alamin at kilalanin ang Smartmatic lalo na ang mga matagumpay na election projects nito sa buong mundo.