Hanggang sa November 29 na lamang o sa Huwebes tatanggap ang Comelec ng substitution para sa mga kandidato sa 2019 elections.
Kabilang dito ang mga kandidatong umatras, namatay o di kaya ay na-disqualify sa final judgment.
Nilinaw naman ng Comelec na wala nang magiging extension sa deadline dahil kailangan nilang ihabol ang pangalan ng mga nag-substitute, sa pag-print ng mga official ballots na gagamitin sa halalan.
Muli namang nagpaalala naman ang Comelec na ang election period ay magsisimula ng January 13 hanggang June 12, 2019.
Ang campaign period sa national ay mag-uumpisa ng February 12 hanggang May 11,2019 habang ang Local Campaign Period ay mula March 29 hanggang May 11,2019.
Mahigpit naman na ipagbabawal ang pangangampanya Huwebes Santo at Biyernes Santo.