Manila, Philippines – Sa kasalukuyan, wala pa namang nagiging problema sa pagsunod ng mga naka schedule na aktibidad para sa paparating na Sangguniang Kabataan at Barangay Election.
Ito ang sinabi ni Commission on Election Spokesperson Dir James Jimenez.
Ayon kay Jimenez, nagpapatuloy ang distribusyon ng mga election paraphernalia, tulad ng balota, kung saan inuna nilang bigyan ang mga pinakamalalayong lugar, at ihuhuli ang NCR.
Ngayong araw rin ay lumagda ng Joint Letter Directive ang AFP, PNP at COMELEC para sa mas epektibong pagpapatupad ng seguridad ngayong nalalapit na ang Sangguniang Kabataan at Barangay Election.
Inisasapinal na rin ang mga kategoriya na tutukoy kung ang isang lugar ay dapat na kabilang sa ‘election hotspot’.
Ayon kasi kay Jimenez bagamat may mga napabalita na na napatay na mga kakandidato sana ngayong Mayo, hindi pa rin daw ito kompirmadong election related incidents hanggang walang impormasyong mula sa PNP.
Kaugnay nito, inaantay na lamang aniya nila ang listahan ng mga lugar na pasok sa election hotspots.
Ayon kay Jimenez, ang joint letter directive na ito, at ang paggawa ng mas specific na hotspot categorization, ay bilang paghahada na rin sa seguridad ng mga susunod pang eleksyon.