Isiniwalat ni U.S. President Trump na manghihimasok ang China sa gaganaping 2018 U.S. midterm elections sa Nobyembre.
Ayon kay Trump – paghihiganti ito ng Beijing sa kanyang administrasyon kasunod na rin ng trade war sa pagitan ng dalawang bansa.
Iginiit ni Trump – siya ang kauna-unahang Pangulo na naghamon sa China pagdating sa kalakalan.
Ipinagmalaki rin ng U.S. Chief Executive na nagwawagi na ang kanilang bansa sa trade.
Itinanggi naman ni Chinese State Councilor at Foreign Affairs Minister Wang Yi ang akusasyon ni Trump.
Iginiit ng China na hindi sila nangingialam sa domestic affairs ng ibang bansa.
Facebook Comments