HALALAN | Vote buying lumalaganap, 500 hanggang 2,500 ang presyuhan ayon sa DILG

Manila, Philippines – Habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election, mas lumalaganap ang ‘vote-buying’ o pagbebenta ng boto.

Ito ang inihayag ng Departmen of Interior and Local Government (DILG) sa isinagawang joint DILG -PNP Press Conference.

Ibinunyag mismo ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs, Martin Diño, na nasa 500 hanggang 2,500 ang presyohan ng bawat boto.


Kaya tanong ni Diño paano babawiin ng mga mananalong barangay officials ang pinang-bili ng boto kung hindi kukunin sa droga.

Tinukoy din ni Diño na maaring mga lokal na politiko ang pumopondo sa vote-buying bilang pagahahanda sa kanilang sariling pagkandidato dahil ang Barangay Captain ang magdadala sa kanila ng mga boto.

Hinimok ni Diño ang mga mamamayan na kuhanan ng video ang mga insidente ng vote-buying para maparusahan ang mga gumagawa nito.

Siniguro rin ni Diño na kahit manalo ang mga tumakbong barangay officials, tatanggalin sila sa pwesto sa oras na mapatunayang sangkot sila vote-buying o anumang paglabag sa mga alituntunin sa kanilang kampanya.

Kasabay nito, pinaalalahan ni Diño ang mga kandidato na sa June 13 ang deadline para isumite ang statement ng kanilang nagastos sa kampanya at tinanggap na donasyon.

Facebook Comments