HALALAN | Vote buying, talamak ngayong Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Pawang insidente ng vote buying ang naitatala ng COMELEC sa ginaganap na Barangay at SK Elections ngayong araw.

May ilang lugar sa Mindanao gayundin sa Samar, Region 6 at Central Luzon ang may mga insidente ng vote buying.

Maliliit na problema naman ang naitatala sa NCR tulad ng late na pagdating ng election officers.


Karaniwan ding problema ang mga botanteng wala ang pangalan sa voter’s list.

Paalala ng COMELEC sa mga kandidato na kailangang blangko ang ipamimigay nilang sample ballots o walang nakasulat na pangalan ng kandidato bagamat hindi pa maiko konsiderang disqualified ang mga mahuhuling gumagawa nito.

Pinakilos ng COMELEC ang election officers para matiyak na mabibigyan ng prayoridad ang senior citizens, mga buntis at PWDs.

Ang DOH ay nag-activate ng code alert ng lahat ng government hospitals para sa mga botanteng magkakaroon ng problemang pangkalusugan habang bumoboto.

Nagpaalala din ang DOH sa senior citizen na uminom ng maraming tubig at uminom ng maintenance medicine bago bumoto.

Ang Philippine National Red Cross naman ay nagpakalat ng first aiders sa polling precincts at nag-deploy ng mga ambulansya.

Facebook Comments