Manila, Philippines – Muling magbubukas ang Commission on Elections (COMELEC) ng voters’ registration sa susunod na buwan.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na makapagrehistro para makaboto sa may 13, 2019 national at local elections.
Gaganapin ang voters registration sa July 2 maliban sa Marawi City.
Ang mga applications aniya ay personal dapat na isusumite sa Office of the Election Officer (OEO) ng lungsod o distrito o munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante.
Sabi ni Jimenez, bukas ang registratrion mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays.
Bukod sa applications for new registration, tatanggapin din ang transfer, reactivation, change o correction of entry at inclusion o reinstatement of records.
Magsasagawa rin ang COMELEC ng satellite registrations kung saan ang mga field officials ay pupunta sa mga barangay, public plaza, eskwelahan at iba pang pampublikong lugar para hikayatin ang mga residente na magparehistro.
Magtatagal ang voters registration hanggang September 29, 2018.